Home » Post Item » Pilipinas, napano ka na?
Pilipinas, napano ka na?
December 2, 2009kapapanuod ko palang nung documentary about the maguindanao massacre and untill this moment i am still in a dismay condition. who would not be? people now a days do not care about morality–doing what is good and avoiding evil.
57 people were dead. pinagbabaril sila. linibing. may nakita pang mga bangkay ng mga kababaihan na bukas ang pants. 57 families are now in pain. others lost their breadwinners. their loving mother. their sister. their love ones. who would have thought that 57 people were killed just because they want to file the certificate of candidacy of someone they support. 30 of them are journalist who only wants to cover the news but ends up being covered by other journalist. and others, nakasabay lang sa daan, pero napatay parin.
paano mo lalabanan ang isang tao o pamilya na napakamakapangyarihan? paano mo hihingan ng hustisya ang mga taong napatay sa gobyernong sila ang kinakampihan? napakasakit isipin na kung sino pa ang inaasahan mong magpapaunlad ng ating kabuhayan ay sila pa ang maglulugmok satin sa kahirapan. kung sino pa ang dapat ay mahingan nating tulong ay sila pa mismo ang iyong makakalaban. ang hirap tumira sa isang bansa na hindi mo alam ang iyong kinabukasan. marahil ngayon ay buhay ka, pero pano kung bukas matulad ka sa mga minalas na makuhanan ng buhay ng dahil lamang sa pagkamakasarili ng ibang tao?
kilala pa kaya nila si God? may konsenya pa kaya sila? minumulto na kaya sila ng mga pinatay nila? binabagabag na kaya sila ng konsenya nila dahil sa ginawa nila? o marahil ngayon ay manhid na sila?
kung sino man na mapalad na maupo sa kahit anong posisyon sa gobyerno, sana mabubuti ang hangarin nila sa bayan. wag sana nilang unahin ang pansarili nilang kapakanan. sana kahit gaano kahirap, iaahon nila ang nalunod nating Pilipinas. sana hindi sila malula sa kapangyarihan. sana hindi sila kainin ng salapi. sana matulungan nila ang mga higit na nangangailangan. sana balang araw, wala ng tao sa ‘pinas ang gutom, hindi nagaral, at mahirap pa sa daga. sana maayos nila kung ano man ang problema ng mga terorista sa kanila. sana wala ng mangyaring patayan. sana hindi niya iisipin na kumuha sa kaban ng bayan ng kahit isang sentimo lang.
puro SANA. parang sa panaginip lang pwedeng mangyari. may magaayos pa kaya sa sira-sira at marungis nating bayan???
http://news.search.yahoo.com/search/news?p=Maguindanao+Massacre&ei=UTF-8&rd=r2&fr=&c=images
STOP! cant you see people are hurting?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



